(Tula) Lipunan ni Alyssa Inductivo

Lipunan

ni Alyssa Inductivo

Lipunan, bakit ka ba nagkakaganyan?,
‘Yan ang tanong ng aking murang isipan.
Ang mga tao’y wala ng karapatan,
Ano nga ba ang tunay na dahilan?.

Kasabay ng pag-unlad n gating bayan,
Ay di matapos- tapos na kahirapan.
Nasan na mga pangakong binitawan?
Na kahirapan ay sosolusyunan.

Mga mayayaman ay sadyang mapanghusga,
Mahihirap ay mas binabaon nila.
Imbes na tulungan ay tinutulak pa,
Sa kahirapan, paano sila lalaya?

Tao, hanggang kailan mo gusto umasa?
Tayo na’t imulat ating mga mata.
Ang mga tao’y puro lamang salita,
Hanggang kailan maghihintay sa gawa?.

Mga Komento