Mithiin
ni Alyssa Inductivo
Pangarap kong magtapos ang
pag-aaral,
Makatanggap ng iba’t-
ibang parangal.
Mga pangarap na laging
dinadasal,
Ito’y aking hinihiling na
kay tagal.
Mali bang mangarap musmos
na tulad ko?,
Na nagsisikap maabot
mithiin ko.
Kahit maraming hadlang sa
mga ito,
Gagawin lahat maabot lang
bituin ko.
Nais tulungan aking mga
magulang,
Na sa suporta’y hindi sila
nagkulang.
Saki’y nagpa-aral at
naging katuwang,
Saking pangarap ay wala
nang hahadlang.
Nais maabot diploma ng
tagumpay,
Ako’y magtatrabaho ng
buong husay.
Nangangarap na mabago
aming buhay,
Rurok ng tagumpay aking
hinihintay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento