(Tula) Korapsyon Sa Politika ni Karan Tamber


Korapsyon sa Politika

ni Karan Tamber

Ang ating lipunan ay nasisira na.
Ano ang nangayayari sa ating bansa?
At ang iba naman ay nagpapakasarap,
Ang walang limitasyong kapangyarihan.

Mga pamilya na nagmamakaawa,
At ang mga pamilya na naghihirap.
Gobyerno dapat ang gumawa ng aksyon,
Kaso wala silang pakialam sa’tin.

Ang tanging solusyon lang ay magtulungan,
Na paunlarin ang bansang Pilipinas,
At i-ahon na ito sa kahirapan.
Kailangan na natin ito solusyunan.

Para sa ikabubuti nating lahat,
Ito rin ay nakakabuti sa atin,
At sa ating susunod na henerasyon,

At sa susunod pa na henerasyon.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento