(Tula) Sabi ko, Sabi mo ni Jana Tacugue

Sabi Ko, Sabi Mo

Ni: Jana Mae Tacugue

Tulad ng sabi mo,
Minahal kita noon
Tulad ng sabi mo,
Ikaw ang nagpakabog sa puso ko noon

Tulad ng sabi mo,
Ikaw ang nagbigay ngiti sa akin noon
Pero tandaan mo
Ikaw rin ang sanhi ng pagluha ko noon

Sabi ko napapagod na ako
Walang sinabi na hindi na ikaw ang laman nito
Saan parte ba ang hindi mo nakita
Nang iwan mo ako sa maling akala

Ngayon naman bigay na bigay
Ang tindi na nga ng pag saway
Ayaw ko talaga, sabi ko
Peo ikaw talaga, pag-amin ko

SABI KO
SABI MO

Sabi mo naghihintay ka
Sabi mo umaasa ka
Sabi mo kukunin mo ang lahat ng tyansa
Binibigay ko na nga,
Pero wala ka namang ginagawa

Mga Komento