(Tula) Puti na Tela ni Jana Tacugue

Puti na Tela

Ni: Jana Mae Tacugue

Ninanais mabuhay para sa Iba
Nangangarap upang mailigtas sila
Ang butil ng letra makakaapekto
Katumbas ng dugo at buhay na ginto

Magpupuyat nang walang makaligtaan
Nang ang bawat pasyente ay di masaktan
Sarap sa pakiramdam kapag nailigtas
Ang pasyenteng ayaw ang buhay malutas

Sa pangarap ko’y hindi pwede ang biro
Kailangan ay seryoso, tama na ang laro
Klase ng estudyante sa medisina
Kung hindi naman manhid, masokista ka

Handa na ‘kong magsuot ng punting tela
Talsik ng dugo’y magiging ala-ala
Dahil ang panata ko’y mailigtas ka
Tandaan mo ‘yan at huwag ka ng magtaka

Mga Komento