“PINAPANGARAP”
Ni Loren Valenzuela
Pangarap ko’y hindi nila inaakala,
Dahil inaakalang walang mapapala,
Mahirap man ito di ako susuko,
Kahit saan pa man ito patutungo.
Pinapangarap na gusto ko makamit,
Isang pangarap kong napagmamalasakit,
Pangarap na di madaling makuha,
Pagsikan mabuti ng di maloko.
Pinaghihirapan man may kapalit din to,
Sigurado man eamdam parin ang lito,
Ngunit ang lito ay nakakapangamba,
Dahil sa gitna’y maaring tumumba.
Pero ito’y aking hindi hahayaan,
Ito’y aking bibigyan kalayaan,
At ako’y patuloy paring mangangarap,
Hanggang makarating sa alapaap.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento