Mga Imahe
ni Alyssa Inductivo
Mga imaheng nakadikit sa’king kwarto,
Araw-araw nakikita mga mukha nila sa
litrato.
Hanggang imahe ko nalang ba sila
masisilayan?,
Gusto ko silang makita kung may
pagkakataon.
Ako’y isang tagahanga,
Sa mga taong malabong ako’y makilala.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng
iba,
Ang mahalaga ay ako sa kanila’y
humahanga.
Ako’y sumusuporta at labis na
nagmamahal,
Nais kong makita mga ngiti nila sa
personal.
Dahil sa kanila natuto akong
mangarap,
Na balang araw sila ay makakaharap.
Nangangarap na ako’y kanilang
makilala,
At kung papalarin man ay maging
kanilang kaibigan.
Ngunit napakalabo nitong mangyari,
Dahil ako’y isang tagahanga lamang.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento