Luntian
ni Alyssa Inductivo
Kalikasan, ika’y napakahalaga,
Pinagkukunang yaman ng ating bansa.
Inang kalikasan, ba’t ka lumuluha?,
Paggamit sa’yong yaman ay sumusobra.
Kalikasan, Ating gintong kayaman,
Na sobrang halaga at dapat ingatan.
Wag gamitin sa sariling kapakanan,
Para sa’ting magandang kinabukasan.
Paano ang susunod na henerasyon?,
Kung ito ang makikita nila ngayon.
Ano ang kanilang magiging reaksyon?,
Inang kalikasan, pa’no ka babangon?
Ating kalikasan ay kaawa-awa.
Dito ko ipapakita sa’king tula,
Ang kalikasan ay napakahalaga.
Oh Kalikasan, huwag kang mawawala.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento