(Tula) Kaibigan ni Karan Tamber

Kaibigan
ni Karan Tamber

Bilang tapat at mabuti mong kaibigan,
Ako ay nasa tabi mo lang palagi.
Hinding hindi kita iiwan mag-isa,
Kahit na saang lugar ka pa mag-tungo.

Dahil ako’y isa mong tapat na kaibigan,
At wag na wag kang matakot lumaban,
Dahil nandito lang ako sa tabi mo.
Mamahalin kita bilang isang kaibigan.

Hinding hindi kita iiwan mag-isa,
Hinding hindi din kita iiwanan.
Kung tayo man ay palalayuin sa isa’t isa,
Pipilitin ko na di ka makalimutan.

Kahit sa pag-tanda hindi kita iiwanan,
Isa kang mabuti at tapat na kaibigan.
Ikaw at naging bahagi ng buhay ko,

At sana hindi tayo magkalimutan.

Mga Komento