(Tula) Ating Isyu ni Loren Valenzuela

“ Ating Isyu “

ni Loren Valenzuela


Tayong lahat ay gusto ng kalayaan,
At magkaroon din ng kapayapaan,
Dati’y pilipinas ay pwedeng maayos,
Ngunit ngayo’y imposibleng maayos.

Bakit ganito ang nangyari saatin?
Kayo ang bumoto ng pinuno natin,
Upang malutas ating mga problema,
Sila dapat ating kasakasama.

Bakit ganito ang mga kabataan?
Dapat sila’y laging binabantayan,
Upang sila’y hindi maiba ng landas,
Gobyerno din ay dapat na tumulong.

Ngunit masakit isipin sila’y sangkot,
Mga nangyayari ay nakakatakot,
Dapat sila ay gumawa nang hakbang,

Upang sa atin ay wala ng hahadlang.

Mga Komento