ANG BANSANG PILIPINAS
Ni Jose Gabriel Lungkay
Pilipinas, ang bansa’y dito tayo nagmula
May mga taong dayuhang nanggagaling sa ibang bansa
Iba’t-ibang kultura sa ibang rehiyon
Maraming pinaglilingkuran, para sa ating bayan
Minsa’y ang mga Pilipino’y nagluluwas
Nagkakaroon ng problema sa ating bansa
Maraming paghihirap ang nagdaan
Iisa ang problema, may matutulungan
Ang panaho’y maraming magagawa
Sapagka’t iisang unlad ang dapat malago
Hindi akalain ang Pilipinas ay isang magandang tanawin
Na minsa’y hindi pinababayaan ang kalikasan
Ang Pilipinas ay pinakamapayapang bansa
Maraming isinasagawa sa buhay ng Pilipino
Inaasahang ‘di mawawala ang kagandahan
Ngunit ang Pilipinas pa rin ang maraming kultura
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento