“ Aking Bayan”
ni Loren Valenzuela
Pilipinas aking sinisilangan,
Simoy ng hangin ay malinis,
Mga lugar ay mapayapa,
At mga tao’y masasayang nag-uusap.
Ngunit anong nangyari?
Aking bayang sinilangan ay gumuguho,
Nag-aaway mga kapatid,
Upang mapabagsak ang bayan.
Dahil sa gulong ito pilipino’y umaalis,
Pilipino’y namamatay,
Pilipino ay nagtatago dahil sa takot,
Pilipino sinasakripisyo ang buhay.
Wala ba tayong gagawin?
Hahayaan nalang ba natin?
Kailangan nating gumalaw at gumawa ng
hakbang,
Upang ating bayan, ating sinisilangan ay
patuloy na mabuhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento